Sa panahon ngayon, samu’t saring salita ang umiiral sa bansa
dahilan sa modernong panahon, na nagdudulot ng kalituhan sa mga tao ukol sa
orihinal na ibig sabihin ng salita. Laganap sa iba’t ibang uri ng media gaya ng
mass media , social networking sites at iba pa ang mga salitang na kung tawagin
ay terminong kabataan na tila palaisipan para sa mga matatanda kung anu ang mga
ito. Ang mga salitang ito ay hindi pormal. At nagkakaroon din ng hindi
pagkakaunawaan sa pagitan ng taong hindi gumagamit ng modernong wika. Dahilan
dito ang kulturang Pilipino ay tila natatabunan na. Lahat ng ito ay dahil sa modernong
salita, na kung hindi mabibigyang pansin ay magiging harang upang ang kulturang kinagisnan ay mapayabong
pa. Kung kaya’t nararapat lamang na mapag usapan ang epekto ng modernong salita
sa kultura upang mabigyang solusyon ito.
Ang payak na mithiin ng koseptong papel na ito ay ang matulak ang mga
Pilipino na buksang muli ang pag iisip
at gamitin ang wikang kinagisnan. Ang pagnanais na lubusang mabigyan ng
linaw ang kahalagahan ng Wikang Pilipino at ang ugnayan nito sa pagpapayaman ng
kultura ng bansa. At minimithi nitong makuha ang sagot sa mga katanungang
nabubuo sa isipan ng tao ukol sa modernong wika.
Ang papel na ito ay may pangkalahatang layunin na, malaman ang naidudulot
ng pagkakaroon ng modernong salita sa kulturang kinagisnan. Sinasaklaw nito ang
mga tiyak na layunin. Una, Malaman ang mga kadahilanan ng paglaganap ng
mga modernong salita. Pangalwa, ang mabatid ang mga konkretong epekto o naidudulot
nito sa kulturang Pilipino at pangatlo, ang makapagbigay ng solusyon ukol sa
isyu.
No comments:
Post a Comment