Saturday, September 26, 2015

BENEPISYO AT INAASAHANG RESULTA


Ang konseptong papel na ito ay nagbibigay daan upang mabigyang pansin ang Wikang Pilipino. Makakatulong ito upang hikayatin ang mga mambabasa na muling buksan ang kaisipan sa paggamit ng wika ng bansa. Magkakaroon ng sapat na kaalaman ang mga mambabasa lalo’t higit ang mga kabataan sa ngayon sa kung anu ang magiging epekto ng modernong wika sa kultura kung patuloy itong gagamitin. Dahilan dito, inaasahan na ang adbokasiyang ito ay magsisilbing daan upang muling gamitin ng mga Pilipino ang pormal na wika ng bansa. Inaasahang magiging aktibo ang mga mambabasa nito sa pagpapahayag ng kahalagahan ng wikang Pilipino. Gayundin, ang adbokasiyang ito ay magiging dahilan upang magkaroon ng pagkakaisa sa wikang ginagamit.  

No comments:

Post a Comment