Saturday, September 26, 2015

DISENYO NG PROYEKTO: ADBOKASIYA


Ang pagbabago ay lubusang nakakaapekto sa isang bagay. Pagbabagong hatid ay positibo o di kaya’y negatibo. Sa panahong ang mundo ay gumagalaw na sa mga makbagong instrument ng teknolohiya gaya ng media aktibo na ang mga kabataan sa makamodernong wika. Anung epekto ang madudulot nito? Diba pagkakaroon ng kaibahan sa kulturang kinagisnan o di kaya’y tuluyang paglimot sa kultura. Kung kaya’t ang konseptong papel na ito ay naglalayong mapagtibay ang aming napiling isyu patungkol sa pagbabago ng wika. Nais naming maipahayag kung ano ang mga pagbabagong nagaganap sa ating lipunan na higit na nakakaapekto sa ating wika.

Ang pag-aaral na aming gagawin ay gagawin sa pamamaraang deskripto-analitik. Bibigyang kahulugan nito o ilalarawan at suriin ang pagbabagong nagaganap sa wika sa makamodernong panahon at ang epekto nito sa kultura. Upang pagtibayin ang gagawing pag aaral ang papel na ito ay isasagawa sa papamagitan ng pagsasarbey. Ang mga mananaliksik ay maghahanda ng isang sarbey kwenstyuner upang makahanap ng mga datos na maglalaman ng mga sanhi ng pagkalap ng makamodernong wika. Hindi lang ditto iikot ang pagkalap ng impormasyon magsasagawa din ng pananaliksik sa iba·tibang sa mga aklat, dyaryo, magasin, at pamanahunang papel. Kukuha din ang mga mananaliksik ng ilang datos o impormasyon gamit ang internet. Ang mga salitang gagamitin ay pormal at hindi ganoon kalalalim upang mas madaling maintindihan ng mambabasa. Ito ay gagawing tuwiran at direkta lalo na’t ang magsisilbing pokus ng pag aaral ay para sa mga kabataan.

No comments:

Post a Comment